Thursday, February 25, 2016

3 Important Business Success (The Power of Law of Rhythm)


Ferris Wheel 2
Alam mo ba ang ibig sabihin ng law of rythm? It’s a backward and forward. Lahat ng meron dito sa mundo ay halos may ganitong rythm.
Ang alon sa dagat ay may back and forth, ang paglubog at pagsikat ng araw, ang pagkakaron ng init at pagkakaron ng lamig, pagkakaron ng pera at kapag nawawalan ng pera, pagpunta sa left and right…
.., pagpunta sa harap at likod and etc. Everything flows, out and in; everything has it tides; all things rise and fall.. Malaki ang kinalaman nito sa buhay natin at sa business natin. Kaya gusto ko sayongi-share itong mga nalaman ko…
Doon sa mga past experience ko, sa mga napag-aralan ko na dati at sa mentor ko na nagtuturo sa akin kung paano i-maintain ang business ko ng maayos.
Gusto ko lang i-share sayo yung mga natutunan ko, once na maunawaan mo lang itong 3 lessons sample na ituturo ko sayo about law of rythm , I believe na it can change your life as well.

Lesson #1: Become A Master In Solving Problems

believe

Alam mo ba yung pinaka-mataas na Ferris Wheel sa Pilipinas? Sky Eye yun. Anyway, alam mo ba na magandang lesson ang ferris wheel sa business mo?
Siguro itatanong mo… “Bakit at Paano?”
Kapag sumakay kana sa isang ferris wheel, normally magsisimula ka muna sa ibaba then after nung dahan dahan ka nang tataas.
Syempre kapag excited ka nang makita yung magandang view sa itaas, di ba’t gustong gusto mo nang mapunta agad sa itaas?
Pero ang mangyayari kailangan mong mag-antay kasi ang pattern talaga ng ferris wheel ay umandar ng unti-unti. Kaya huwag kang mainip kung ganun yung mangyari kasi…
.. hindi mo din mamalayan kapag naging patience ka, mapupunta ka din sa tuktok at makikita mo na yung gusto mong makita sa itaas.
Ganyan din sa business natin… Kung nagsisimula ka palang, normal lang na nasa ibaba kapa at normal lang din na hindi mo pa alam kung paano gawin ang business mo ng tama.
Pwedeng hindi kapa kumikita sa business mo, or wala kapang nararanasan na commisions. Sa simula mararamdaman mo din na medyo mabagal ang progress ng business mo.
Wala pang customers, wala ka pa masyadong sales nako-close, konti pa lang ang sumasali na members sa team mo and etc…
Minsan mararamdaman mo na parang ayaw mo nang magpatuloy, dahil feeling mo walang nangyayari. Pero sasabihin ko sa’yo na hindi totoo iyon. Nung una akong nag-start sa business ko, nagsimula talaga ako sa pinakamababa.
Nag-aral lang ako ng mabuti, study, study and study… As long na you keep learning new things, as long as your learning on how to do your business pretty well at kung consistent mo lang gagawin ang business mo…
Kung gagawa ka lang ng iba’t ibang paraan, kung magsisikap ka lang talaga na hanapan ng solusyon ang problema mo… para makuha mo ang gusto mo, magkaroon ng downlines and etc… Sinisuguro ko sayo na unti-unti mong matutunan kung ano yung magwo-work para sa business mo.
Dahan dahan makikita mo din ang resulta mo. Keep on doing what’s working for your business, darating din yung time na makakarating ka sa tuktok, makikita mo na din yung mga magandang resulta na hinahanap mo.
Pero hindi porket nasa itaas kana, forever kanang nandun, kagaya ng sa ferris wheel… babalik ito sa ibaba.. ganun din sa ating business. Hindi dahil may resulta kana, nakatikim ka na ng success, hindi ibig sabihin nun na hindi kana magkakaron ng mga challenges.
Kahit kumikita kana ng malaki, minsan may mga pagsubok talaga na dadating sa buhay mo. Pero as a fellow entrepreneur, ang goal natin ay maging master sa pag-solve ng mga problems natin, sa buhay o business man natin.
Ito yung pwedeng mga example and possible na mga challenges na dadating sayo or makakaharap mo in the future…
Sales of your business may slow down or go down = You need to find solutions.
Your Team will be demotivated = You need to find solutions.
Darating yung point na may maninira sa business mo = You need to find solutions.
At marami pang iba…
Ang kailangan mo lang gawin ay humanap ng solutions sa lahat ng klase ng problema mo or problema mo sa business mo para bumalik ka ulit sa itaas ng ferris wheel.
Ang magde-determine kung gaano kataas ang level ng success na maa-achieve mo sa business mo ay kung gaano ka kagaling humanap ng mga solutions.
Become A Master In Solving ProblemsFriend… :)

Lesson #2: Understanding & Analyzing The Puzzle Of Your Business

Puzzle

Alam mo ba yung Puzzle Mansion sa tagaytay? Dito nakatira si Gina Gil Lacuna at sya ay Guiness Book Of World Records holder na may pinaka-maraming puzzle na nabuo.
Umabot ng 1,028 na puzzle ang nabuo ni Ma’am Gina. Astig di ba? Pero may mas astig pa diyan, andun din sa tagaytay yung pinaka malaking puzzle sa buong mundo..
…18,000 puzzles pieces! Wheeeww ang hirap buoin nun… pero dahil passion nila yun kaya kahit mahirap ay pinagtiyagaan nila.
Parang ganyan din ang business natin, building a successful business is like a completing a puzzle. Kapag magbubuo ka ng puzzle, hindi ba’t hahanapin mo yung tamang kapiraso ng puzzle at unti unti mo itong ikakabit?
Syempre hahanapin mo yung tamang mga pwesto at position nito… Sa una medyo mahihirapan ka pero habang tumatagal, habang nabubuo mo na sya unti-unti, nakikita mo na yung picture ng puzzle. :)
Parang katulad ng pagbuo ng puzzle ang business mo…
The first thing you have to do is to understand the important of pieces of your business. Kung nasa Online Business ka…
Ang dapat mong malaman ay kung paano mag-generate ng traffic, paano mag-convert ng leads, paano gumamit ng autoresponder / email follow up, paano mag convert ng leads into sales and etc…
Once na maunawaan mo na lahat ng piraso ng puzzle mo (important parts of your business), dun mo na sya pwedeng pagkabit-kabitin at ilagay sa tamang pwesto.
Sa una mahihirapan ka pero habang unti unti mo ng nase-setup ng maayos ang business mo, mas dumadali na sya at unti unti mo na rin na nakikita yung mga resulta na gusto mo.
Pwedeng nagsisimula ka palang mag-drive ng traffic sa website mo, nag-start ka ng makakuha ng mga leads, inquiries and etc…
Kapag nabuo mo na yung puzzle ng business mo, doon mo na makikita yung clearer picture nito at dun mo na din makikita yung picture ng resulta mo sa business mo.
You’ll never become a successful in your business hangga’t hindi mo nauunawaan ang importants pieces of your business at hangga’t hindi mo napagkakabit-kabit ang piraso ng puzzle mo.
Kung nasa Internet Marketing ka, ito yung kailangan mong pieces ng iyong business. Ito rin ang dapat mong aralin at pagkabit-kabitin.
   --> 1. Traffic
  --> 2. Lead Generation
  --> 3. Sales Conversion
  --> 4. Back End Monitization
Kung nasa MLM/Networking ka naman, ito naman yung mga important pieces na kaylangan mong aralin at pagkabit-kabitin sa business mo.
  --> 1. Prospecting
  --> 2. Presenting
  --> 3. Closing
  --> 4. Team Building
Kahit ano pa yang business model na pinapatakbo mo o ginagawa mo, ang kailangan mo munang gawin ay maintindihan ang important pieces of your business.
Then connect those pieces to see the Bigger Picture Of Your Success:)

Lesson #3: Consistent Practice & Consistent Improving Your Skills

PRACTICE
Kaninang umaga naglaro ako ng Candy saga, sa tagal ko ng hindi nakapaglaro hindi kona nakuha ang pinaka mataas na score.pero sa katagalan kong laro paulit ulit,nakakuha narin ako ng magandang score.Haha. Atlis bumalik yung okay na laro ko kahit papaano. Ganyan din sa business, that’s exactly what you need to do…
You need to practice and play the game with a smile para matutunan mo yung tamang diskarte. Kailangan mo talaga ng consistent na pagpa-practice sa business mo para makuha mo yung tamang diskarte.
Ok lang kahit sa una hindi ka pa nakakapag-close ng sales. Dapat try and try lang. Practice and practice lang. Tapos you need to learn from those experiences.
And most importantly, i-improve mo yung mga ginagawa mo. Last time may ginawa akong sample video tapos pinanuod ko yung sarili ko, tinignan ko kung ano ba yung mga mali kong ginagawa sa video.
Then eventually, mas gumagaling na ako. Ganyan din ang gawin mo. Part kasi talaga ng success ang failure. Kaya kung mangyari man sayo yan, ok lang dahil success na ang kasunod ng efforts mo. :)
Master Improving Your Doings…
Ibig sabihin you need to practice your profession/business and always look for ways kung paano mag-improve yung mga ginagawa mo.
Isipin mo ito, how you can become a great Online Marketer kung hindi ka araw-araw na nagmama-market? How you can become a great Network Marketer kung hindi ka araw-araw nakikipag-network?
How you can become a great Speaker/Presenter kung hindi ka palagi nagi-speak or nagpe-present? The answer is in you. I know na alam mo kung ano ang tamang sagot diyan. :)
So, that’s it. Yan na yung 3 sample lessons na makakatulong sayo. Lahat ng yan may Law Of Rythm. Ang law ay law. Hindi mo pwedeng labagin yan.
Siguro magtatanong ka, “vernidita, hindi ko pa din ma-gets yang law?”
Naniniwala ka ba sa “Law of Gravity”? Sigurado naman akong “Oo” ang isasagot mo sakin eh… Try mo ngang labagin yan?
Kapag nagawa mong lumutang dito sa mundo natin, sasabihin ko sayong hindi din totoo ang law of rythm.
Meaning to say, lahat ng Natural Laws ay totoo, including law of rythm. Kaya kung nasa ibaba ka ngayon, sigurado akong tataas ka din. :)
Because that’s a law. Everything flows, out and in; everything has it tides; all things rise and fall.
Pero siguro sasabihin mo ngayon… “hindi totoo yan, dahil kung totoo yan eh di sana mayaman na ako ngayon, kasi mahirap ako.. that’s a fall and kapag mayaman ako, that’s a rise?”
Then don’t be misunderstood what I’m saying… totoo yang sinabi mo. Pero anong level ang Rise & Fall mo?
Kasi pwedeng ganito, mahirap ka right? Kumain ka ngayon araw ng itlog, sa sumunod na araw.. Manok na. Did you get my point? So meaning to say, nasa sayo….
How You Can Use The Power Of Law Of Rythm….
Does it make sense? :)
Okay, I’ll teach you more…
Keep doing your business and then you’ll experience the law of rythm… Put the Law of Rythm in your business. Nasa ibaba ka ngayon ng business mo?
Pero consistent mo itong ginagawa? 100% sure ako na taas na ang kasunod nun dahil ganito ang nangyari sa akin at sa iba pang mga Pinoy Marketers.
Kaso nga lang hindi sila aware dito, nagagawa na lang nila bigla dahil mataas ang burning desire nila na mag-succeed sa business nila.
Ngayon alam mo na itong powerful law of rythm, mas lamang kana sakanila ngayon. :)
P.S. Kung may napulot kang kakaibang aral dito sa article na ginawa ko, like and post your comments below. You can also share it to your friends.
Your Friend To Success,
Vernidita Milano


No comments:

Post a Comment